Trending ngayon ang bagong bukas na restoran sa Tagaytay City, ang “MANG JOSE – LECHON AT INASAL” na pagmamay-ari ng sikat na bokalista ng bandang Parokya ni Edgar at ang pinaka bagong hurado ng Idol Philippines na si Chito Miranda.
Kapansin-pansin kasi ang titulo ng naturang restoran na hango sa sikat na kantang “MANG JOSE” ng Parokya ni Edgar na inilabas taong 2005.


Ibinahagi ni Chito ang pagbubukas ng kanyang restoran na talaga namang nakakatakam at patok sa panlasang Pinoy.

Nagbukas ang naturang restoran ni Chito nitong June 13, 2022 na matatagpuan sa 4 Mahogany Avenue, Tagaytay City.
Para sa mga nais matikman ang Mang Jose – Lechon at Inasal. Bukas simula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. ###

0 comments on “Mang Jose – Lechon at Inasal ni Chito Miranda, trending ngayon”