PASARING NI KEEMPEE PARA NGA BA SA KANYANG AMA?

Read Time:1 Minute, 28 Second

“Di man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa?”

Ito ang isa sa mga pasaring ngayon ni Keempee de Leon sa kanyang Facebook post nitong June 11, sakabila nang sama ng loob o tampo sa isang taong malapit sa kanya na simula pa ng pandemya noong 2020 ay hindi man lamang siya nakumusta ni minsan.

“Mula nung nag-umpisa ang pandemia hanggang ngayon. Wala na palang ibang tutulong sayo kung di ang Diyos, Sarili Mo, Ibang tao at iilan na tunay mong kaibigan.

“At kung sino pa ang inaasahan mo…. sya/sila pa ang dedma at walang paki sayo kasi safe sila and they have everything in life!

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba? kung may kailangan ka? kung may kinakain ka pa ba? kamusta kalagayan mo? kung ok ka lang ba? at kung kamusta ka?

Advertisements

“Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” ayon sa actor-TV host.

Nitong nakaraang araw lamang ay mulinf bumanat si Keempee sa kanyang Facebook post at inilarawan bilang “mapagpanggap” ang taong pinariringgan niya.

“Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!

“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!

“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba,” paghihimutok ng aktor.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Shaping Your Body Instantly with Liposuction
Next post Tomorrow’s Technologies

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: