Community News ESPESYAL Sid Samaniego Viral Now

BATANG MEKANIKO TAGUMPAY SA KANYANG NEGOSYO, NAKABILI NA NG BAHAY AT LUPA

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Isang batang mekaniko sa bayan na ito ang masasabing nagtagumpay sa kanyang misyon sa buhay. Kinilala ang batang mekaniko na si Mike Evander Presa, 30 taong gulang, may asawa at 2 anak ng lalaki. Panglima sa 9 na magkakapatid.

Kilala si Mike sa buong Cavite na isang karerista ng motor. Isang henyo pagdating sa pagbabagong bihis ng isang simpleng motor. Ang dating pangit na motor ay napapaganda niya.

Umiikot ang mundo niya sa bawat sulok ng motor. Sa pangunguna niya, kabi-kabila ang ginagawa ng kanyang grupo na magpa-motor show.

Nagiging daan ang proyektong motor-show na kanilang ginagawa upang matulungan ang mga taong higit na nangangailangan ng pinansyal dahil sa usaping medikal at gamot. Sa simpleng paraan, natutulangan niya ang isang taong humaharap sa pagsubok.

Taong 2018 nang pasukin niya ang pagtitinda ng iba’t ibang spare parts ng motor. Eksklusibo siyang nag-aalok ng produkto ng JRP sa buong Cavite.

Patok ang kanyang paninda sa tao. Mura na at may kalidad pa. Ang dating pangarap niyang magkaroon ng isang maliit na tindahan ay nagkatotoo at higit pa.

“Kailangan lang talaga ng maraming tiyaga at pagsusumikap. Pasasaan ba’t mararating mo rin ang inaasam na tagumpay”, mensahe ni Mike sa mga kapwa niya mekaniko.

Sa 4 na taon niyang pagtitinda ng spare parts ng mga motor, tunay ngang narating na niya ang tropeo ng tagumpay dahil sa ngayon ay nakabili na siya ng bahay at lupa sa isang eksklusibong sabdibisyon sa Cavite.

“Nangungupahan lamang kami noon ng aming pamilya. Sabi ko sa sarili ko, darating din ang panahon na magkakaroon din ako ng sarili kong bahay at lupa. Sa tulong ng Maylikha at sa mga taong palaging nasa tabi ko upang gabayan ako, maraming-maraming salamat. Sa asawa ko, sa mga suplayer ko, at kay Boss Renz ng JRP, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat”, paglalahad ni Mike.

Punong-puno ng kwentong inspirasyon ang buhay ni Mike na mag-iiwan ng magandang alaala at pagmamahal sa kapwa. Marami pang oras at panahon ang kanyang tatahakin, nawa sa kanyang paglalakbay sa tagumpay ay patuloy na mangibabaw ang pagiging mapagkumbaba sa kapwa. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

1 comment on “BATANG MEKANIKO TAGUMPAY SA KANYANG NEGOSYO, NAKABILI NA NG BAHAY AT LUPA

  1. Tonn Villeza Marco I 🇵🇭

    Congratulations!!!!

    Liked by 1 person

Comments are closed.

%d bloggers like this: