Banner Story

Kris Aquino, nagreresponde sa kanyang health treatment sa Amerika ayon kay Ogie Diaz

Good news! Para sa mga nag-aabang ng bagong balita patungkol sa lagay ng kalusugan ni Queen of All Media, Ms. Kris Aquino.

Napag-alaman ng DIYARYO MILENYO, sa inilabas na pinaka bagong Showbiz Update ni Ogie Diaz sa kanyang vlog. Nabanggit nito na maayos na nagre-responde si Kris sa kanyang gamutang isinasagawa sa Amerika.

Aniya, “Ito raw ay confirmed… Si Kris Aquino ay matagal na mamamalagi sa Houston, Texas. Siguro abutin ito ng one year Loi. Habang siya ay nagpapalakas, nagpapagaling. At in fairness naman, sabi ng aking source, e nagrerespond naman daw si Kris Aquino sa mga treatments na isinasagawa sa kanya,” paglalahad ni Ogie.

“‘Yung iba kasi wala sila nababasa tungkol kay Kris. Kumbaga siguro nag-absent muna, nagpahinga pansumandali itong si Kris Aquino. Pero malay natin hindi rin makakatiis ang lola niyo. Babalitaan din niya kayo straight from the horse’s mouth, live from Houston, Texas.”

Samantala, matatandaan na nagtungo si Kris sa Houston para umano sa gamutang isasagawa dahil sa mga lumalabas nitong sakit na nagpapahirap sa kanyang health condition kaya mas pinili na lamang nitong magpagamot sa Amerika para mas matutukan ang kanyang medikal na gamutan.

Marami talaga ang nag-aabang sa mga video ni Ogie Diaz sa kanyang official YouTube channels na “Ogie Diaz” at “Ogie Diaz Showbiz Updates” dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artisra at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: