
President-elect Marcos, pamumunuan ang Department of Agriculture
Inanunsyo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes [June 20] na pamumunuan niya pansamantala ang Department of Agriculture dahil higit na mas kailangan itong matutukan sa lahat ng sektor ng bansa.
“As for agriculture, I think the problem is severe that I have decided to take on the portfolio of the Secretary of Agriculture at least for now,” saad ni Marcos sa isang reporter.
Aniya, ang kanyang desiyon na pamunuan ang DA ay “hindi lamang pagtutok sa sa sektor bagkus, kundi ang pagtutok sa mas praktikal na aspeto upang mapagalaw ng mabilis at produktibo ang agrikultura sa bansa” na pakikinabangan ng bawat Pilipino.
Ilan sa kanyang mga plano ay baguhin ang value chain sa agrikultura, ang diumano talamak na korapsyon na nagaganap sa pag-export/import sa nasbing sektor at baguhin ang organizational structure nito.
“The other priority which is equally important, although it’s a long term process, is the restructuring of the Department of Agriculture,” dagdag pa ni Marcos.
“Many of the agencies have changed their function over the years. We have to restructure the actual department so as to be more responsive to the global situation,” ani Marcos.
Matatandaan, nitong mga nagdaang campaign rally ni BBM na kanyang ipinangako ang pagbaba ng presyo ng bigas sa 20 piso per kilo na inaasahan ng mga bumoto kay BMM at iba pa nitong pagbabagong naising makamit sa bayan. #RBM
Photo: radyo.inquirer.net
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
DTI, nakipag-ugnayan sa mga Stakeholders para sa pagtugon sa Inflation
Sakabila nang patuloy na paghagupit ng inflation sa buong mundo, ang Department of Trade and Industry (DTI) ay pinapanatili ang...
Lumahok sa Onlayn Talakayan hinggil sa Fieldwork sa Panahon ng Pandemya
Inaanyayahan ang mga guro, mag-aaral, mananaliksik, at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas na lumahok at matuto sa...
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...