Balita BALITA KONSYUMER TRANSPORTATION

Presyo ng Petrolyo, Posibleng sumipa sa P100 kada litro – DOE

Maaaring sumipa sa P100 kada litro ang presyo ng petrolyo sa bansa sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo nito kada araw, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Lunes.

Sa pahayag ni Energy Undersecretary Gerardo Erquiza Jr., posibleng umakyat sa P100 per liter, “Kung based sa isang dramatic extreme reason, bigla na lang aangat at tataas, hindi naman po (aabot ng P100),” paliwanag nito sa Laging Handa virtual briefing.

“Pero ang nangyayari dito, nagpapatong patong patong, may posibilidad ‘yan kung tuloy-tuloy na bawat araw, bawat linggo ay tumataas. Pero ‘yung biglaan ho ang pag-angat at pagtaas ng P100, ‘yun ho ay hindi naman mangyayari most likely,” dagdag pa ng Kalihim.

Samantala, nadagdagan naman ang presyo ng gasolina ng P0.80, ang diesel naman P3.10, at kerosene P1.70 – sa loob ng magkakasunod na tatlong linggong pagtataas ng presyo nito.

Sa pinakabagong datos ng ahensya sa kanilang year-to-date adjustment sa presyo ng petrolyo, ang net increase na ng gasolina ay pumalo na sa P28.70 per liter, P41.15 per liter naman sa diesel, at kerosene P4.85 per liter as of June 14, 2022.

May mga naitala na rin ang ahensya na nagpapakita na umakyat na ang presyo ng gasolina sa Metro Manila sa P91.90 at hindi bababa sa P94.90 per liter, ang kerosene naman ay sumipa na sa P97.34 nitong June 14, 2022.

Aniya, ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng petrolyo ay dulot din ng pagbuti ng palitan ng US dollar to Peso, at ang tuloy-tuloy din na produksyon ng diesel kahit na ito ay may pagtaas sa demand.

“Kahit na sabihin nating dumadami ‘yung supply ng krudo pero ‘yung manufacturing level ng diesel halos pareho lang ho,” ani Erquiza.

Samantala, nagbigay pahayag naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanila nang ipapamahagi ang pag-roll out ng second tranched na P5-billion fuel subsidy program para sa mga PUV Drivers sa bansa ngayong buwan ng Hunyo o sa kalagitnaan ng Hulyo. #RBM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: