
Sen. Leila de Lima, isinugod sa Manila Doctors Hospital para operahan
Dinala si Sen. Leila de Lima sa Manila Doctors Hospital sa Maynila nitong Lunes, June 20, para sumailalim ng “major medical surgery” dahil sa mga karamdamang nararanasan ng Senadora.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nitong nakaraang linggo, pinahintulutan si De Lima ng Muntinlupa Regional Trial Court 204 para sa kanyang “surgery and hospital confinement” sa pagitan ng mga petsa ng June 19 at June 25.
Si De Lima ay na-diagnosed na may pelvic organ prolapse stage 3 noong Abril 5 sa kasalukuyang taon. At pinayuhan ng kanyang doctor na kailangang magsagawa ng vaginal hysterectomy with anterior and posterior colporrhapy sa lalong mas madaling panahon.
Sinabi ni Dr. Errol Santelices, ang attending physician ni De Lima na ang Senadora ay kailangang ma-admit sa loob man lang ng 120 hours para suriin ang kanyang kalusugan at kung ang heart condition nito ay apektado rin. Nagkaroon din ang Senadora ng suspected mild stroke noong Abril 2021.
Samantala, pinayagan naman ng korte suprema ang Philippine National Police Custodial Service Unit na mag-assign ng mga police escort para ihatid si De Lima sa Manila Doctors Hospital.
Sinabi rin ng korte suprema na kinakailangan ding ibalik si De Lima sa kanyang detention facility pagkatapos ng five-day furlough.
Si De Lima ay naka-ditine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City mula pa noong Pebrero 2017 dahil umano sa mga alegasyong kinahaharap nito na may kaugnayan sa illegal drug trade sa mga proliferate mismo sa loob ng New Bilibid Prison sa kasagsagan ng kanyang termino bilang justice secretary. #RBM
Photo: Business World