Matatapos na ang libreng sakay program sa mga public utility vehicles at MRT-3 maliban sa Edsa Busway.
Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina E. Cassion, naubos na ang 7 milyong pisong pondo para sa libreng sakay sa 148 na ruta sa buong bansa.
Sa record na nakalap mula sa LTFRB, mahigit 5,000 pampublikong sasakyan na ang hindi na nag-renew ng prangkisa o hindi na pumasada dahil sa patuloy na oil price hike.
Ayon naman kay PISTON National President Mody Floranda na 20% na mga tsuper sa Metro Manila ang huminto muna sa pamamasada dahil sa mahal na presyo ng petrolyo at piyesa ng sasakyan.
Samantala, tatagal naman hanggang Hulyo ang libreng sakay sa EDSA Busway. #RBM
0 comments on “Libreng Sakay Program hanggang Hunyo 30 na lang”