[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Matapos ang 2 taong pagkakaantala dulot ng pandemya, muli na namang masasaksihan ang masayang Basaan Sa Silangan One, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Bautista sa Barrio Silangan 1 ng bayan na ito.

Ang masayang basaan habang umiindak sa saliw ng tugtog ng karakol ay sasabayan pa ng iba’t ibang palarong Pinoy, Silangan Got Talent, at marami pang iba.

Taong 2017 nang una itong isinagawa sa nasabing barangay sa pangunguna ni Brgy. Capt. Jonjon Cupino. Nagtuloy-tuloy ito hanggang dayuhin na ng mga tao.

“Inaaanyayahan ko po ang lahat na makisaya dito sa aming barangay. Sabay-sabay po tayong humiyaw at sumayaw at salubungin ang napakasayang basaan sa silangan one”, paanyaya ni Brgy. Capt. Cupino.

Kinasasabikan din ang malalakas na hiyawan at masayang basaan habang bumubuhos ang tubig na nagmumula pa sa fire truck.

Samantala, sa unang pagkakataon ang kalye ng Rodriguez ng Brgy. Ligtong 2 at kalye Bagong Silang ng Brgy. Ligtong 1 ay magsasagawa na rin ngayong June 24 ng sariling bersyon ng basaan sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Tessie Atangan.

Ang kalye ng Rodriguez at Bagong Silang ang itinuturing ngayong pinakamalinis ng kalye sa buong bayan ng Rosario. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: