
Walang katapusang pasanin ni Juan
Sunud-sunod na ang pagtataas ng mga pangunahing bilihin sa merkado, ang nagpapatuloy na taas-presyo ng gasolina, diesel at kerosene, maging ang pagtaas ng pasahe sa mga airlines na posibleng magpatuloy pa dahil sa pagtaas din ng presyo ng jet fuel at ang pagsadsad ng piso laban sa dolyar. Tila hindi na ito papapigil.
Nakababahala na ito para sa mga kababayan nating mahihirap, lalo na ang may mga malaking bilang ng pamilya na umaasa lamang sa maliit na pinagkakakitaan ng mag-anak. Mas marami ang magugutom na naman. Tila matatagalan pa na mararamdaman ng lahat ang kaginhawaan sa buhay.
Gaya nga nang inihayag ni Sen. Imee Marcos na hindi kayang mag milagro ang kanyang kapatid na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para lamang mapababa ang mga bilihin at ang pagbabago na ating matagal nang inaasam.
Ang pagtaas ng mga bilihin ay tila virus din na mabilis na lumalaganap sa lahat na halos ang lahat ay apektado hindi lamang ang ating bansa.
Tila mas nakakatakot pa nga ito kaysa sa banta ng COVID-19 na halos balewalain na rin ng ilan nating mga kababayan. Sapagkat, mas mahalaga para sa ordinaryong Pilipino ang makapagtrabaho at makahanap ng mga kaparaanan para kumita kaysa mamatay sa gutom ang kanilang pamilya. Ang maaari na lamang nating gawin ay magtiwala sa mga posibilidad na magagawa ng bagong Administrasyon para sa ating bayan at para sa lahat. ###
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Lumuluhang Sibuyas
Tila wala nang katapusan ang pagtaas ng mga presyo ng pang-agrikultura na produkto sa bansa, at ito ay dapat nating...
Araw ng mga Patay 2022
Ipinagdiriwang ng mga Filipino ang Araw ng mga Patay at/o Araw ng mga Kaluluwa tuwing ika isa (1) at ika...
Siste sa Edukasyon, malaking hamon sa bagong Administrasyon
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kahalagahan ng Edukasyon sa bagong henerasyon. Malaking hamon ito sa bagong Administrasyon kung paano ito...
Pilipino, Pumili ka ng Tama!
[Ni Rick Luna Daligdig] ARTICLE V Article V. SUFFRAGE Section 1. Suffrage may be exercised by all citizens of the...
KAMILENYO, BUMOTO KA! Boto Mo, Kinabukasan ng ating Bayan
Limang araw na lamang, atin nang makakamit ang karapatang bumoto. Ang araw na pinakahihintay ng lahat para ipanalo ang karapat-dapat...
CHEERS TO 2 YEARS: 2 Taon na Tayo, KaMilenyo!
Sa loob nang dalawang taon na ating pinagsamahan ay marami na tayong napatunayan. Halos dalawang taon na buhat nang tumama...