
Duterte-Carpio at Briones, nag-usap na para sa DepEd transition
Nagkaharap na sina Vice President-elect Sara Duterte-Carpio at outgoing Education Secretary Leonor Briones kung saan ay kanilang pinag-usapan ang ongoing transition sa Department of Education nitong Sabado, June 25.
One-on-one meeting ang naging pag-uusap ni Duterte-Carpio at Briones sa opisina mismo ng DepEd sa Pasig bago ang proceeding transition briefing ng iba pang opisyales ng ahensya.
Matatandaan sa mga nakalipas na linggo, sinabi ni Briones na kanyang ibinibigay ang kanyang suporta para kay Duterte-Carpio at handa silang maka-trabaho ang bagong itatalaga na DepEd Secretary sa bagong pamumuno rito.
Sinabi pa ni Briones na kanyang iti-turn-over ang Basic Education Plan 2030 at iba pang development plan para sa edukasyon.
Samantala, sa pag-upo ni Duterte-Carpio bilang bagong Bise President at DepEd Secretary, nais nitong ibalik na ang face-to-face classes sa bansa. ###