Pinas, nakapagtala ng 777 new COVID-19 cases nitong Sabado

Read Time:57 Second

Pumalo na sa 3,700,028 ang mga kaso nang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, 6,425 ang aktibong kaso ng virus mula sa 6,068 nitong Biyernes [June 24], ayon sa Department of Health (DOH).

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa pinaka huling pagtatala ng DOH, nadagdagan ng 777 ang mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado [June 25], ito na ang highest single day tally mula pa noong March.

Pinaka mataas na aktibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region na may 3,455 sa nakalipas na 2 linggo, sinundan naman ito ng Calabarzon na may 1,211, Western Visayas 601, Central Luzon 460, at Central Visayas na may 310.

Nakapagtala naman ng 3,633, 096 na mga gumaling sa naturang virus, at pumalo na sa 60,507 ang mga namatay sa COVID-19.

Samantala, nasa 17.9% ang bed occupancy nitong June 23 kung saan 5,304 beds ang occupied at 24,325 naman nito ang bakante pa.

Nasa 19,068 individuals naman ang tested sa naturang virus sa pinakahuling report ng DOH nitong June 24 habang 322 naman ang sinusuri pa sa mga laboratoryo. ##

[Photo credit to the Owner]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Jeric Gonzales, dinelete ang mga post sa kanyang IG account
Next post Duterte-Carpio at Briones, nag-usap na para sa DepEd transition

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: