Community News PROVINCIAL Sid Samaniego

ROSARIO-NOVELETA BOUNDARY

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Panahon na nga ba para baguhin at ibalik ang tunay na nag-uugnay sa pagitan ng bayan ng Rosario at Noveleta?

Ang tinatawag na “Ligtong Creek” sa gilid ng RCPJC Lumber at Love Memorial ang siyang sinasabing tunay na boundary ng dalawang bayan na nabanggit. Na kung saan ay nasasakop ito ngayon ng Brgy. Salcedo 2 ng bayan ng Noveleta.

Base sa datos ng Municipal Planning and Development Council (MPDC) ng Rosario, ang pagbabayad ng amelyar ng lupa na sakop ng barangay Salcedo 2 ay sa bayan ng Rosario ipinapatupad. Dahil ang lupa ng Brgy. Salcedo 2 ay sakop ng mapa ng bayan ng Rosario. Tulad na lamang ng RCPJC Lumber at Saint Martin Hospital, kapwa sila nagbabayad ng amelyar ng lupa sa Rosario.

Habang ang mga residente naman dito ay kalahati ng populasyon ay sa Rosario, Cavite botante.

Ang tinatawag ngayon na “Kalye Tambakan”, marami dito ay botante ng Brgy. Ligtong 2. Habang ang tinatawag ng “kalye petchayan” naman ay karamihan dito ay botante ng Brgy. Ligtong 3. Ang kasalukuyang kinatatayuan ngayon ng arko ay nasa unahang bahagi ng kalyehon ng Ligtong 2 at Ligtong 3.

Sinasabing ang away noong araw ng dalawang malaking pamilya ang dahilan na pagkakatayo nito. Pabor sa unang pamilya na nooy sila ang nanunungkulan sa bayan.

Panahon na nga ba upang bawiin ang nasabing lugar? Kung ang mga tao sa Brgy. Salcedo 2 ang tatanungin, ang iba sa kanila ay pabor sa naturang hakbangin. Habang ang iba naman ay alangan pa.

Magugunitang sa tuwing sumasapit ang kapistahan ng baryo ng Ligtong, ikinakarakol ang Patron ng San Isidro Labrador hanggang sa creek na ito. At muling babalik ang karakol sa pinanggalingan.

Maging sa tuwing sumasapit ang mahal na araw, karamihan sa mga nagpepenitesya ay sa lugar din na ito nag-uumpisa papunta sa simbahan ng Ligtong.

Panahon na nga ba na ang lugar na ito ay maging bahagi ng isang bayang tahimik, masaya, at maunlad. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: