
Calida itatalaga bilang bagong chair ng COA; Veloso bilang bagong pangulo ng GSIS
Itinalaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Solicitor General Jose Calida bilang chair ng Commission on Audit sa papasok na bagong Administrasyon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Inanunsyo ito ni Press Secretry Atty. Trixie Cruz-Angeles nitong Miyerkules, June 29.
Si Calida ay inappoint ni outgoing President Rodrigo Duterte bilang solicitor general noong 2016.
Itinalaga rin bilang undersecretary of the Department of Justice mula 2001 hanggang 2004 si Calida. Sa kanyang panunungkulan, pinangasiwaan niya rin ang National Bureau of Investigation, Witness Protection, Security and Benefits Program, Office of the Government Corporate Counsel, DOJ National Task Force on Terrorism and Internal Security, at DOJ Task Force on Financial Fraud and Money Laundering.
Hinawakan din ni Calida bilang executive director of the Dangerous Drugs Board, kung saan ay kinonsepto nito ang “Barkada Kontra Droga” bilang proyekto ng nasabing ahensya.
Samantala, inihayag din ni Cruz-Angeles na magiging bagong pangulo ng Government Service Insurance System (GSIS) si Jose Arnulfo “Wick” Veloso.
Si Veloso ay ang kasalukuyang pangulo ng Philippine National Bank.
Nanungkulan din bilang chief executive officer ng HSBC Philippines si Veloso. Dahil dito, kinakitaan siya ng extensive banking and capital markets experience sa loob ng mahigit 30 years, at 23 years naman sa HSBC.
Ngayong araw ay magaganap ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan inaasahan na kanyang pupulungin din ang kanyang mga itinalaga sa iba’t ibang departamento ng bawat ahensya ng gobyerno pagkatapos ng kanyang panunumpa. #RBM