Entertainment Showbiz

‘THIS ISN’T A PERMANENT GOODBYE’ – Kris Aquino

Ibinahagi ni “Queen of All Media” Kris Aquino ang kanyang kasalukuyang kondisyon at sinabi nito na nagpostibo siya sa COVID-19 at ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimb.

Sinabi ni Aquino na ang kanyang panganay na anak na si Josh ay unang nagpositibo sa virus nitong June 20. At nagpositibo naman siya matapos ang tatlong araw.

Dahil sa kanilang kondisyon, kinakailangan ni Aquino na magpaalam pansamantala sa kanilang mga supporters para tutukan ang kanilang paggaling at ang paggaling niya sa kanyang sakit na autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria at Churg Strauss syndrome.

“This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- i am forever #grateful,” saad ni Aquino sa kanyang post.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: