
Isang mataas na opisyal ng CPP-NPA, pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo
ILOILO CITY – Hinatulan ng korte sa Metro Manila ng habambuhay na pagkakakulong ang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) dahil sa pagpatay noong 1975.
Hinatulan ng ‘guilty’ sa korte ni Taguig City si Maria Concepcion “Concha” Araneta-Bocala sa pagpatay kay Metodio Inisa noong Setyembre 1975 sa Madag, Aklan.
Ayon kay Capt. Kim Apitong, tagapagsalita ng Philippine Army 3rd Infntry Division (ID) na at-large pa rin si Bocala.
Aniya, nakakuha ang 3rd ID ng kopya ng desisyon noong Hunyo 21, 2022 na inilabas ni Judge Marivic Vitor.
Ang naturang rebeldeng komunistang Ilongga at unang inaresto noong 1985 ngunit pagkatapos ay pinalaya kasunod ng EDSA People Power Revolution noong 1986.
Nasa higit 70 na ngayon ang itinuturing na deputy secretary ng CPP-NPA sa Panay Island si Bocala. ##
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
815 na Sink Hole sa Boracay, Pinangangambahan
"Nakaka-alarma" Ito ang pagsasalarawan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron matapos makitaan ng 815 na sink hole sa isla ng...