
P40-M, tinurn-over ng DPWH sa ipinagawang gusali ng Phililippine Army
Higit P40.1-milyon ang tinurn-over ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapagawa ng two-story multipurpose building sa Philippine Army (PA) 7th Infantry Division (7ID) na kumukonekta sa headquarters at iba pang pasilidad sa pamamagitan ng isang footbridge.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Taus-pusong pasasalamat naman ang tugon ni Major Gen. Andrew Costelo, 7ID commander sa Duterte administration sa pakikipagtulungan ng DPWH sa newly completed infrastructure, at mas maaasahan pa ang pagiging handa ng tropa.
“This is the result of the Army modernization efforts of the Duterte administration and we at the 7ID are grateful that through the DPWH-Department of National Defense Convergence program, we have been provided with modern military facilities that inspire us to continue serving the people,” saad ni Costelo.
Samantala, kinilala rin ni Nueva Ecija Second District Engr. Elpidio Trinidad ang pagtatatag ng isang makabuluhang pakikipagsosyo ng DPWH sa Armed Forces, lalo na sa iba’t ibang major units ng Army na nakatalaga sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva, Ecija.
Ang naturang bagong pasilidad ay mayroong air-conditioning units, function halls para sa mga isasagawang mga pagpupulong doon, may elevated water system at pole-mounted transformer, security cameras, smoke detectors, mounted solar lights, at fire safety tools gaya ng fire alarm system, fire hose cabinet assembly at fire extinguishers. ###
Photo: The Manila Times