
ROSARIO HONESTY STORE, NAGBUKAS NA SA PUBLIKO
[Ni Sid Samaniego]
ROSARIO, CAVITE: Sa unang araw ng buwan ng Hulyo ng taon na ito, binuksan sa publiko ang kauna-unahang “honesty store” sa Cavite na matatagpuan sa Isla Bonita, Rosario.
Ang “Rosario Honesty Store” ay nagtitinda ng mga pagkaing tipikal na nakikita sa mga sari-sari store.




Ang nasabing honesty store ay pagmamay-ari ni Wilfredo Perlas. Matapos na masira ang kanyang sasakyang kolong-kolong ay mas ninais niya na gawin na lamang permanente ang kanyang mga paninda. At dito nga ay naisip niyang gawing honesty store ang kanyang tindahan.


“Madalas kasing wala ako sa tindahan ko. Iniiwan ko lang siya, pero pagbalik ko nagugulat na lamang ako na may benta na sa tindahan ko. May pera na sa lagayan ko ng mga benta. Kaya naisip ko na gawin na lamang honesty store ito”, kwento ni Willy.
Layunin ng honesty store na masubukan ang katapatan ng mga mamimili at masukat ang tunay na ugali nito.





Ika nga, “honesty is the best policy”. Ito ang totoong konsepto ng tindahan na ito. Maging honest kahit na sa maliit na bagay.
Ang tindahan na ito ay inspired sa honesty store sa Ivana, Batanes.
Kahit walang nakatingin na ibang tao, ang mamimili ay kukuha ng nais niyang produkto at iiwan ang kabuuang halaga nito bilang bayad. At kung may sukli man ay malaya siyang kukuha ng eksaktong sukli na walang labis at walang kulang. Nasa tao na kung magbabayad ba siya o hindi. Dahil ang hangarin ng tindahan na ito ay maituro at maipalaganap ang kahalagahan ng katapatan ng ugali ng tao.
Ang honesty store na ito ay walang anumang bakod, taliwas sa pangkaraniwang tindahan na puno ng rehas na bakal at wire na may kapirasong butas lamang na kasya ang kamay sa pagbigay ng bayad at sukli.
Umabot sa kabuuang 17,000 ang naging puhunan ni Perlas sa honesty store na ito. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
Cocina de Relleno: The Home of the Legendary Authentic Rellenong Bangus
In this day and age of fast-food chains and restaurants that bring flavors from Western, Asian, and other cuisines from...
VP Sara, viral sa kanyang suot na crop top
Nag-viral ang mga larawan ni Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang pagsuot ng crop top para sa Christmas Party...
Barangays, together with ice cream brand, Aice plan on distributing free ice cream to more than 2 million people nationwide to give cheerfulness in time for the holiday season
[caption id="attachment_27624" align="aligncenter" width="690"] Barangay Head Gift Giving Activity in General Santos City[/caption] Manila, Philippines, 12 December 2022 – Over...