Balita Community News NEWS PROVINCIAL

Kahalagahan ng SOGIE Equality Bill para sa lahat, muling ipinunto ng CHR

Sa pagtatapos ng Pride Month, pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang ilan pang lokal na pamahalaan sa bansa na naglatag ng mga hakbang na layong isulong ang karapatan ng LGBTQIA+ community sa anumang antas at larangan ng pamumuhay.

“In Carigara, Leyte, the local government has issued a resolution promoting equal rights and condemning discrimination against the LGBTQI community. The LGU also organized a concert in celebration of the Pride Month, which they intend to make an annual tradition. Once session re-opens, they committed to craft an anti-discrimination ordinance,” pagmamalaki ni Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia ng komisyon sa hakbang ng nasabing bayan.

Ipinunto rin sa naging pahayag ang pagkakapasa ng isang lokal na ordinansa sa Roxas City sa lalawigan ng Capiz na layong i-promote ang karapatan at pangangalaga sa mga LGBTQA+ community gayundin ang pagtatag nito ng isang Pride Council na tutugon sa mga biktima ng diskriminasyon at stigma sa komunidad.

“CHR commends these local efforts that demonstrate concrete support and genuine acceptance for the LGBTQI community. During the pandemic, Manila, Bataan Province, Albay, Malolos City, and Pasig City also passed their version of anti-discrimination ordinances. We are hopeful of the increasing local support and look forward to more LGUs implementing their own equality and anti-discrimination measures,” dagdag na pahayag ni De Guia.

Sakabila nang mga development na ito sa iba’t ibang panig ng bansa, umaasa ang komisyon na magiging daan ito para sa pagkakapasa ng Kongreso sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill. ##

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: