Balita NATIONAL NEWS

P500 Ayuda kada buwan, ipamamahagi na sa loob ng 5 hanggang 6 na araw – DSWD

Sa inilabas na pondo ng Department of Social Welfare para sa ayuda ng ating mahihirap na mga kababayan, asahan na raw ang pamamahagi ng P500 monthly cash aid sa loob ng lima hanggang anim na araw, ayon kay DSWD chief Erwin Tulfo nitong Sabado.

Sa nakalap na panayam kay Tulfo, ang monthly cash subsidies ay ipamamahagi sa loob ng anim na buwan sa tatlong tranch na direktang matatanggap naman ng mga benepisaryo ng DSWD social assistance programs o yung may mga existing cash cards.

Nitong nakaraang Biyernes [July 01], inanunsyo ng DBM na naglabas na sila ng P6.2 billion upang punan ang P500 monthly cash aid para sa low-income families na makatutulong sa nararanasan na kagutuman bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at petrolyo.

Processing…
Success! You're on the list.

Ang nasabing pondo ay para sa Targeted Cash Transfer (TCT) Program, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March para sa P500 monthly cash sa ating mga kababayan na higit na apektado ng pagtaas ng inflation.

Ang cash subsidy ay ipamamahagi sa anim na milyong benepisaryo mula sa 50% na mga mahihirap sa bansa, kasama ang apat na milyong households na naka enrol sa ilalim na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at dalawang milyong social pension beneficiaries, ayon sa DSWD’s National Household Targeting System for poverty Reduction.

Samantala, ipinangako ni Tulfo na ang distribusyon ng cash aid ay napapanahon, “it’s just a matter of depositing sa accounts,” kung saan ito ay makakrating mismo sa mga targeted beneficiaries na mayroon ng cash cards na inilabas ng Land Bank of the Philippines. #RBM

1657087200

  days

  hours  minutes  seconds

until

KWF: Ceremonial MOA Signing & Ribbon Cutting

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: