VP Sara Duterte, nagbukas ng 6 Satellite Offices sa iba’t ibang rehiyon sa bansa

Read Time:1 Minute, 0 Second

Nagbukas ng satellite offices sa iba’t ibang rehiyon sa bansa si Vice President Sara Duterte-Carpio kung saan ang Office of the Vice President (OVP) ay makatutugon sa agarang pangangailangang serbisyo ng ating mga kababayan.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa Faceboook page ni VP Sara Duterte-Carpio, sinabi nito na nagbukas sila ng anim na satellite field offices sa anim na rehiyon sa unang araw ng kanyang pagiging Bise Presidente.

Matatagpuan ang satellite offices sa mga lugar ng; Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag sa Surigao del Sur (Region XII).

Matatandaan na ang VP ay nakipag pulong kay dating Education Secretary Leonor Briones. At magkakaroon naman ng joint farewell and welcome ceremony ang VP sa July 4, ayon sa Departamento ng Edukasyon.

Inaasahan ni VP Duterte-Carpio na muli nang magbabalik ang face-to-face classes sa bansa kung saan ay kanila ring sisilipin ang estado ng public health emergency bunsod sa nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

Sinabi rin ni Duterte-Carpio na nag-usap na rin sila ni President Marcos na pag-aralan ang K to 12 program kung ito nga ba ay kailangan ng alisin o mas palawigin. ##

Subscribe

* indicates requiredEmail Address *

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Kahalagahan ng SOGIE Equality Bill para sa lahat, muling ipinunto ng CHR
Next post P500 Ayuda kada buwan, ipamamahagi na sa loob ng 5 hanggang 6 na araw – DSWD

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d