
Pinas, nakapagtala ng 7,398 new COVID-19 cases – DOH
Read Time:1 Minute, 1 Second
Nakapagtala ang Pilipinas ng 7,398 bagong kaso ng COVID-19 mula June 27 hanggang July 3, 2022 na may daily average cases na 1,057, ayon sa Department of Health nitong Lunes, July 4.
Ayon sa DOH, 497 ang severe and critical cases ang kasalukuyang naka-admit. Na may 8.4% total COVID-19 admissions.
15.3% ang nasa intensive care unit beds, habang 19.9% naman ang nasa non-ICU COVID-19 beds.
Sinabi din ng DOH na may 19 new severe at critical cases sa naturang virus.
Samantala, higit 70.7 million individuals na ang nabakunahan o 78.64% ng government’s target population ang bakunado na laban sa COVID-19.
15.1 million na ang nakatanggap ng booster shots.
Nakapagtala naman ng 74 na mga nasawi sa virus nitong nakaraang linggo, ayon sa DOH.
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.