BAGONG ABC-PRESIDENT NG ROSARIO, PROUD TINAPA VENDOR

Read Time:49 Second

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Pormal ng nanumpa kanina, July 5, 2022 ang bagong talagang Pangulo ng Asosasyon ng mga Barangay Captain na si ABC Pres. Jonathan “Jojo” Dela Cruz Crisostomo, 55 taong gulang, kay Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente.

Si Crisostomo ay kasalukuyan ding nagtitinda ng tinapang salinas sa Manila. Bago pa man siya naging “kapitan del baryo” sa Brgy. Ligtong 4 ay pagtitinda na ng tinapa ang kinabubuhay nilang mag-asawa. Kaya naman, kahit naglilingkod na siya sa barangay ay patuloy pa rin siyang nagtitinda ng masarap na tinapang salinas.

“Kahit saan ako mapadpad, taas-noo kong ipinagmamalaki ang masarap na paninda kong “Tinapang Salinas”, pagmamalaki ni Jojo.

Kilala ang barangay ni Cristomo sa mga naglalakihang pabrika ng tinapa. Habang ang bayan naman ng Rosario ay kilala bilang “Home of the Original Tinapang Salinas”.

Si Crisostomo ay nasa huling termino na ng kanyang panunungkulan bilang Brgy. Captain. Ang pagiging ABC-Pres ni Crisostomo ay katumbas ng isang konsehal ng bayan. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post SEC REITERATES COMMITMENT TO CHAMPION CORPORATE SECTOR, CAPITAL MARKET
Next post Marcos, prayoridad ang Ekonomiya ng bansa

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: