Siste sa Edukasyon, malaking hamon sa bagong Administrasyon

Read Time:1 Minute, 46 Second

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kahalagahan ng Edukasyon sa bagong henerasyon. Malaking hamon ito sa bagong Administrasyon kung paano ito patatakbuhin ng tama at akma sa kasaysayan, siyensya, panitikan at iba pang aspekto ng edukasyon sa bansa.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ngayong pamumunuan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang Kagawaran ng Edukasyon, malaking responsibilidad ang nakaatang kay VP Duterte sa pagsulong ng edukasyon at sa ating kasaysayan kung hindi ito pagtutulungan ng lahat.

Sa mga nagdaang kampanya, naging matinding hamon sa lahat ang misinformation, disinformation at fake news. At maging sa mga guro, ang pagtuturo ng kahalagahan ng kasaysayan sa mga mag-aaral. Dahil na rin sa impluwensya ng kinahihiligan ng lahat ngayon ang, TikTok. Kung saan talamak sa app na ito ang Fake News at disinformation na mas pinipiling tutukan ng mga kabataan ngayon. Hindi lamang ang mga kabataan kundi pati ikaw na nagbabasa ng pitak na ito.

Tila mas pinaniniwalaan pa ng lipunan ngayon ang mga lumalabas na mga video clips mula sa mga sikat na vlogger, sa TikTok at iba pang online platforms.

Tila sinisira ng mga gumagawa nito ang pamantayan ng edukasyon at pananaw ng mga ordinaryong indibidwal kung saan ay tuluyan na ngang nilamon ng sistema ng maling pagbabahagi ng ating kasaysayan. Hindi na alam ang kahalagahan ng demokrasya, ang tunay na kaganapan sa bansa, at tinawag pa ng isang sikat na aktres-dancer na ang History kuno ay “Tsismis” lamang. Ang mga historian ngayon ay umaalma na sa mga maling pahayag at pagtingin sa ating kasaysayan at edukasyon.

Mahalagang malaman ang kasaysayan. Ito ang ating susi sa mas matagumpay na pagbabago at paghubog sa ating mga kabataan at kamalayan ng bawat isa. Ang kasaysayan ang ating basehan upang hindi na maulit pa ang mga nangyari noon. Hindi ang pagtatama nang kung ano ang naisulat na. Bagkus kung ano ang aral na mapupulot natin doon. Huwag nating hayaang lumawig pa ang maling pagtingin sa kasaysayan at tuluyang wasakin ang ating ipinaglaban.

Panawagan ngayon ng mga guro na ibalik muli ang Philippine History sa highschool levels, upang mabatid ang mga mahahalagang kaganapan sa ating kasaysayan, panitikan, wika at iba pa.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Pinas, nakapagtala ng 7,398 new COVID-19 cases – DOH
Next post 3 coops, hundreds of farmers to benefit from DTI 11’s signed MGA

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: