Matapos ang pagpupulong ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isinagawa sa Malacañang kahapon, Martes [July 5], sinabi nito na ang kanyang prayoridad ay ang ekonomiya.
Nagsimula ang kanilang pagpupulong ng alas 9:00 n.u. sa Palasyo, na dinaluhan din ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte-Carpio at ng mga miyembro ng Gabinete.
Sa ibinahaging short clip ng pagpupulong sa Palasyo, inatasan ni Marcos ang economic team na pinamumunuan ni Finance Secretary Benjamin Diokno na magbigay pahayag ukol sa lagay ng ating eknomiya.
“I ask the what we call the economics group, which is the Secretary of Finance, the BSP [Bangko Sentral ng Pilipinas] Governor, and the NEDA [National Economic and Development Authority] to give us a briefing on the general situation, economically because I think we can all understand that the most important area that we will have to deal with would have to be the economy,” saad ni Marcos sa kanyang Gabinete.
“The central policy that actually everybody else would be following will be that set out by our economic managers. So I ask the economic team to give us a briefing,” dagdag pa ng Pangulo.
Malaking responsibilidad ang nakaatang ngayon sa ating bagong liderato sakabila ng nagpapatuloy na sigalot sa Russia at Ukraine na apektado rin ang ating ekonomiya.
Sa pag-upo ni Pangulong Marcos bilang kalihim ng Agrikultura, tiwala ang Pangulo na mapagtatagumpayan ang hamon na ito, bilang nagkakaisang pamumuno para mas progresibong pagbangon ng Pilipinas. #RBM