
Matapos ang Libreng-sakay sa MRT; Presyo ng pamasahe sa P2P bus, trending ngayon!
Nag-viral sa social media ang post ng isang commuter matapost nitong maglabas ng kanyang saloobin patungkol sa pamasahe sa point-to-point (P2P) buses.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ibinahagi ng commuter na siya’y natuwa nang malaman niya na mayroong ruta ang P2P mula Makati hanggang Fairview, ilang araw matapos mawala ang libreng sakay sa MRT.
Ayon sa post ng pasahero, “Kaninang umaga yung unang sakay ko sa MRT na walang libreng sakay. Syempre tulad ng inaasahan, mahaba ang pila sa ticketing booth. Mabuti na lang meron akong beep card kaya hindi na ako pumila nang matagal,”
Kahit pa man nakasakay na, sinabi nito na siya’y “napakamot ng ulo” matapos malaman na P160 pala ang pamasahe sa P2P.
“Kung balikan ay 320 – lagpas doble sa pamasahe ko kung sasakay ako ng MRT at ordinaryong bus na pumapatak lang ng halos 150 ang balikan,” dagdag pa nito.
“Hindi afford ng isang minimum wage earner ang sumakay araw-araw sa ganitong transportasyon dahil lagpas sa kalahati ng sahod nila ang presyo ng pamasahe. Kaya pala kahit may mabilis at mas magandang alternatibo ay mas pinipili nilang makipagsiksikan sa MRT,” dagdag nito.
Kaya naman, hiling ng commuter, sana ay maging prayoridad umano ng bagong administrasyon ang pag-aayos ng lagay ng transportasyon sa bansa.
“Sana ay maging prayoridad ng bagong administrasyon ang pagsasaayos ng transportasyon para sa mga commuters lalo’t malaking porsyento ng 31 million ay mga ordinaryong mamamayan na sumasakay ng pampublikong sasakyan,” saloobin ng komyuter
.(JP Garcia/Facebook)