Read Time:1 Minute, 18 Second

[Ni Sid Samaniego]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

BOTE, DYARYO, at GARAPA, ITO ANG HANAP-BUHAY NILA

ROSARIO, CAVITE: Limang dekada ng nagtutulak ng kariton si Mang Frank Tolentino, 69 taong gulang, balo, may 8 anak, at 28 ang apo.

19 taon pa lang si Mang Frank ay laman na siya ng lansangan. Palaging nakangiti, animo’y walang problemang iniinda. Maamo ang mukha at magalang makipag-usap sa kapwa.

Sa tatlong gulong ng kanyang gamit ngayon na sidecar na mala-kariton umiikot ang buhay nya. Maaga pa lamang ay nililibot na niya ang buong bayan ng Rosario kasama ang kanyang binatang anak na si Arnold Tolentino na 43 taong gulang.

Silang mag-ama lang ang magkasama sa bahay. Kaya maging sa pagbobote ay magkasama pa rin silang mag-ama. Ang karamihan sa anak ni Mang Frank ay may kanya-kanya ng pamilya sa buhay.

Sumisipol at pakanta-kanta kung minsan habang tulak-tulak ang kariton. Maibsan lang ang pagod at init ng panahon.

Hindi kailangang sumuko sa hamon ng buhay. Gaano man kayrumi at kayhirap ng pinagkakakitaan.

Sa halagang 300 piso bawat araw ay kumikita sila sa pagbobote. Pinagkakasya na lamang nilang mag-ama ang perang kinita upang ipambili ng pagkain.

Paikot-ikot lang ang takbo ng panahon nilang mag-ama.

Gigising… Magbobote… Kumita…

Subalit sa bawat paglalakbay nilang mag-ama gamit ang kariton ay nag-iiwan naman sila sa atin ng inspirasyon. Parehas na hanap-buhay sa parehas na hamon ng pagkakataon kasama ng panalangin at hiling sa ating Panginoon. #DM

Photos Epipanio Delos Santos Avenue

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Shincheonji Church, Nanawagan sa mga Kristiyanong pastor: ‘Pare-pareho ang Bibliyang hawak natin kaya bakit tayo nag-aaway at hiwa-hiwalay?’
Next post Former Prime Minister Shinzo Abe, may-iniwang magandang alaala sa Pinas

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: