Press Release

Shincheonji Church, Nanawagan sa mga Kristiyanong pastor: ‘Pare-pareho ang Bibliyang hawak natin kaya bakit tayo nag-aaway at hiwa-hiwalay?’

Sa isang webinar na ginanap noong ika-4 nh Hulyo, 2022, nanawagan si Lee Man-hee, isang Koryanong peace advocate at Chairman ng Shincheonji (New Heaven New Earth) Church of Jesus, sa mga Kristiyanong pastor at lider na itigil ang hidwaan at pagkakabaha-bahagi sa loob ng Kristiyanong komunidad, at magkaisa sa ilalim ng parehong pananampalataya.

Humigit-kumulang 8,000 pastor at pinuno ng simbahan mula sa Pilipinas ang dumalo sa webinar na pinamagatang, “Testifying to the 66 Books of the Bible’s Secrets of the Kingdom of Heaven and the New Covenant, the Revelation” na inorganisa ng simbahang nakabase sa Korea.

“Pare-pareho ang Bibliyang hawak natin kaya bakit tayo nag-aaway at hiwa-hiwalay? Hindi ito makatuwiran. Ito rin ang dahilan kung bakit ako tumayo sa harap ninyo ngayon, para sabihin ito. Ang nais kong sabihin ay maging isa tayo kay Hesus. Iisa lamang ang Kristiyanismo at ang Bibliya, iisa lamang din ang Panginoon kaya bakit tayo hati-hati at bakit tayo nag-aaway?”, ani Chairman Lee.

Hinikayat din ni Chairman Lee ang mga pastor at mananampalataya na pag-aralan ang mga propesiya at ang katuparan na nakasulat sa Bibliya lalo na ang tungkol sa ikalawang pagparito ni Hesus.

“Sa oras ng ikalawang pagparito, dapat nating suriin ang ‘ano, kailan, saan at hanggang saan ang natutupad’. Hindi lang tayo basta magsabi na naniniwala tayo kay Hesus, dahil pangako ito. Dapat makumpirma natin ang pangakong ito para magkaroon tayo ng siguradong pananampalataya.”

“Inisa-isa namin ang bawat kabanata at ipinaliwanag namin ito. Kung mali ang pagpapaliwanag sa bawat kabanata ay dapat sabihing mali ito, hindi ba? Kung tama ang paliwanag at ibinigay na patotoo ay dapat paniwalaan natin, hindi ba? Dapat nating ituring ang Salita bilang isang guro at sundin ito.”

Pinatototohanan ni Chairman Lee na ang Pahayag (Revelation), ang huling aklat sa Bibliya, ay natutupad sa panahong ito. Nanawagan siya sa mga pastor at mananampalataya na suriin ang kanilang patotoo at mga katutuan at hinimok sila na ipaalam sa kanila kung may makita silang mali tungkol dito.

Ang webinar ay sabay-sabay na ipinalabas sa 138 bansa at isinalin sa 24 na wika kabilang ang Tagalog. Maaaring mapanood ang buong video rito: https://fb.watch/e7qB8DCK_y/

Sa nakalipas na 9 na buwan, ang New Heaven New Earth Church ay nagpalabas ng iba’t ibang webinar upang patotohanan ang mga nilalaman ng Bibliya mula Genesis hanggang Pahayag. Nagbukas din sila ng mga batch sa mga Bible center na nagtuturo ng mga libreng kurso sa Theology. Noong 2019, nagsagawa sila ng seremonya ng pagtatapos para sa 103,764 na nakapag-aral ng kurso, at ito ay nakakuha ng atensyon mula sa media at mga denominasyon sa buong mundo.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: