Read Time:33 Second
UMABOT na sa P14.6 milyong pananim ang nasira matapos manalasa ang malakas na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa Ifugao dahil sa walang tigil na mga pag-ulan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa ulat ng DA, 484 magsasaka ang apektado ng pagkasira ng kanilang mga pananim. Tinatayang aabot sa 728 metric tons at 198 ektarya ng mga sakahan ang napinsala, kung saan apektado ang mga pananim na palay at mga high-value crops.
Ayon pa sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 1,500 indibidwal at 500 pamilya ang apektado ng flash flood sa anim na barangay sa Banaue Ifugao.

About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
You must be logged in to post a comment.