
TOGA NI AGOT
[Ni Sid Samaniego]
ROSARIO, CAVITE: Ang pag-akyat sa entablado suot ang magarang toga ay ang kinasasabikang sandali ng mga magsisipagtapos.
Wala mang medalyang isasabit sa leeg, basta ang mahalaga ay mahawakan at maangkin lang ang isang napakahalagang papel na may ribbon na nakorolyo habang binabanggit ang iyong pangalan kasabay ng malalakas na palakpakan at hiyawan.
Nagsunog ng kilay…
Nagpakadalubhasa…
At nagpakatuto, maabot lang ang pangarap na diploma at sertipiko.
Panahon na naman!
Graduation Day!
Mabuhay kayong lahat na magsisipagtapos.
Sa kabilang banda, si Agot ay sumasalamin sa mga taong nagnanais na makapagtapos balang-araw ng pag-aaral at magkaroon ng titulo sa buhay. Sa kabila ng kanyang pagiging padre de pamilya.
Ang dedikasyon ay laging kaugnay sa ating mga pangarap. At ang ating mga pangarap ay nakaugnay sa ating dedikasyon. **








