[Ni Bensar M. Saed]

Panganay si Luay sa limang magkakapatid. Madaling araw pa lang ay gumigising na siya para makatulong sa kanyang mga magulang.

Isang araw nakita ni Luay si Hamodi.

“Pinsan, pwedeng makaekstra ng padyak mo para may pambaon kami bukas?”

“Oo naman!” sabi ni Hamodi.

Madaling araw pa lang ay gumigising na si Luay para maghanda sa pagpasok sa paaralan. Tumutulong siya sa pagpapakain ng manok ng kanyang ama.

Pagkatapos ng agahan ay maliligo na silang magkakapatid para papasok na sa paaralan. Sabay-sabay nilang nilalakbay ang daan patungo sa Mabang Paaralan ng Justino Marquez.

“Fatima, Joana, at Datu makinig kayo sa inyong guro.” “Opo kuya.”

Habang patungo si Luay sa kanyang silid-aralan ay binibilang niya ang pera na naipon niya sa pagpapadyak para pambili ng kanyang proyekto sa Filipino.

Pagkatapos ng klase nila ay inihahatid na ni Luay ang kanyang tatlong kapatid. Inilapag at mabilis na nagbihis ng damit si Luay para pumunta sa pinsan nya at umekstra ulit sa kanyang padyak.

Sinimulan ni Luay ang kanyang pamamasada mula Purok Lumayon patungo sa palengke. Hindi ramdam ni Luay ang pagod makatulong lamang sa kanyang pamilya.

Kainakailangang kumayod ng batang si Luay dahil ramdam niya na hindi sapat ang kinikita ng kanyang ama at ina sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Ang tanging kinikita ng kanyang mga magulang ay sapat lamang sa kanilang pangkain sa araw-araw. Walang naitatabi para sa mga proyekto at ibang gastusin sa paaralan.

Minsan naiisip niya na kundi lang salat sa buhay katulad na din siya ng mga batang masayang naglalaro. Kadalasan siyang naiinggit sa mga batang hindi salat sa buhay at may panahon sa paglalaro. Subalit, umaasa siyang darating ang panahon na sila ay makakatamasa din ng kaginhawaan sa buhay.

Sa paglipas ng panahon patuloy parin si Luay sa pagsisikap. Ganun pa man nangangarap parin siya ng maunlad na buhay para sa kanyang pamilya. Nananalangin siya at ang kanyang mga karanasan sa buhay ay lalo niyang pinagyayaman. ##

[Photo credit to the owner]

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: