Guro, inspirasyon sa kaniyang modern twist sa Filipiniana at Barong

0 0
Read Time:1 Minute, 13 Second

Kakaibang dress code ni Teacher!

Agaw-atensyon ngayon sa social media ang isang guro na si Jeffrey Bautista Mallari sa Nueva Ecija dahil sa kakaiba nitong creative take sa Filipiniana at Barong Tagalog na dress code sa naganap na graduation ceremony ng pinapasukang paaralan.

Si Sir Jeffrey ay guro sa T.A. Dionisio National High School sa bayan ng San Isidro sa nasabing lalawigan kung saan naganap ang seremonya ng pagtatapos ng mga estudyante nitong Hulyo 13 lang.

Ayon sa Guro, layon ng kaniyang modern Filipiniana at Barong attire na basagin ang “gender stereotypes” o ang nakakaumay na pagbabatay sa pagkatao, estado at kasarian ng isang tao dahil lamang sa kanyang kasuoatan at gawi.

Dahil sa kasuotan na ito, isinusulong ng guro ang gender equality sa kilalang kasuotan ng mga Pilipino, hindi para pabuyin ang ating tradisyonal na kasuotan kundi kung paano ito dapat dalhin ng walang pag-aalinlangan.

Ang Filipiniana at Barong Tagalog ang siyang representasyon ng bawat Pilipino na nagpapamalas ng ating kultura, kasanayan, kahusayan at ang pagharap sa iba’t ibang tao at lahi at maging sa labas ng ating bansa ito ay ating taas-noong isinusuot.

Kaya naman, kagalakan ang naramdaman ni Jeffrey sapagkat natuwa ang netizens sa ipinakita ng guro at talaga namang napa-WOW ni Teacher Jeffrey ang nakararami maging ang mga kasama nito at mga kaibigan.

Umabot na sa mahigit 2,000 shares ang nasabing post ng guro. #RBM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: