Press Release

Mindanao, Dating Pinakamalalang Conflict Zone sa Asya, Nagpakita ng Posibilidad sa Pagresolba ng Pandaigdigang Sigalot

Ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia ay kumitil ng mahigit 3,000 katao at nagpapatuloy nang halos 4 na buwan na. Walang mga palatandaan ng pagtatapos ng mga digmaan sa mga bawat bahagi ng mundo. Habang kinakaharap ang ‘new normal’, ang internasyonal na komunidad ay nahaharap sa mga bagong suliranin dahil sa panganib ng pagtaas ng armadong labanan sa iba’t ibang lugar kabilang ang kanilang sariling bansa. Nagsikap nang husto ang mundo sa paglutas ng mga sigalot at pagtatatag ng kapayapaan, ngunit pagkatapos ng Cold War, ang mga etniko at relihiyosong grupo na nakatali sa ideolohiya ay lumitaw bilang ugat ng kaguluhan. Ang paglitaw ng isang bagong istraktura ng sigalot ay nangangailangan ng isang bagong pamamaraan sa paglutas ng problema.

Ngayon, ang mga nagawa ng isang internasyonal na organisasyong pangkapayapaan na Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), sa pribadong antas ay nagpapakita ng ‘bagong modelo ng kapayapaan’ sa pandaigdigang komunidad. Si Chairman Lee Man-hee ng HWPL ay isang Korean War veteran na nakaranas ng kakila-kilabot na digmaan. Pinaalis siya sa kanyang serbisyo militar dahil sa tama ng baril. Siya ay isang aktibistang pangkapayapaan na nagtatrabaho upang makamit ang katulad na layunin ng pagtigil ng digmaan at pagkamit ng kapayapaan sa mundo. Ang kanyang tagumpay sa pamumuno sa HWPL ay ang kanyang kontribusyon para sa kapayapaan sa Mindanao.

Ang Mindanao ang lugar na may pinakamalaking armadong labanan sa Timog Silangang Asya. Ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakabase sa Mindanao, ay ang pinakamalaking armadong pwersa sa Timog Silangang Asya. Noong 2010s, nagdeklara ang gobyerno ng Pilipinas ng digmaan sa MILF na nagresulta sa mahigit 120,000 na pagkamatay. Ang sigalot sa Mindanao ay malinaw na nagpapakita ng problema ng internasyonal na komunidad: ang paglaganap ng sigalot batay sa pang-etniko at panrelihiyong pagkakakilanlan na umusbong noong ika-21 na siglo. Matapos ang maraming pagdanak ng dugo, nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) noong Oktubre 2012 dahil sa interbensyon ng internasyonal na komunidad, bilang pagkilala sa awtonomiya ng Muslim sa Mindanao.

Gayunpaman, nang matapos ang kasunduan ay hindi pa rin nagwakas ang malalim na sigalot sa pagitan ng Islam at Katolisismo. Pagkatapos, noong Setyembre 2013, hiniling ni Antonio Ledesma, dating Katolikong Arsobispo ng Metropolitan Archdiocese ng Cagayan de Oro, si Chairman Lee na mamagitan sa pag-aayos ng kaguluhan sa Mindanao. Tumugon si Chairman Lee sa pagbisita sa Mindanao na noon ay tensyonado pa dahil sa armadong labanan.

Noong ika-24 ng Enero, 2014, bumisita si Chairman Lee sa Mindanao at ginanap ang kauna-unahang Peace Walk sa General Santos City na dinaluhan ng mahigit 1,000 katao kabilang ang mga estudyante mula sa Mindanao State University at mga miyembro ng International Peace Youth Group. Pagkatapos ng Peace Walk, nanawagan si Chairman Lee na itigil ang anumang gawaing maaaring maghikayat ng digmaan na may kinalaman sa relihiyon at iginiit na, “Ang kalooban ng Maylikha ay hindi digmaan kundi kapayapaan.” Tinanong niya ang mga dumalo, “Gusto ba ninyo ng kapayapaan o digmaan? Kung gusto ninyo ng kapayapaan, mangyaring itaas ang inyong mga kamay.” Nang makitang nakataas ang mga kamay ng lahat, inanyayahan ni Chairman Lee si Archbishop Emeritus Fernando Capalla at dating Gobernador ng Maguindanao, Esmael Mangudadatu, na lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan.

Kasunod nito, napagkasunduan ng gobyerno at MILF ang pinal na annex ng Preliminary Peace Agreement noong ika-25 ng Enero, 2014. Kinikilala ng kasunduan ang awtonomiya ng Muslim at unti-unting pagdisarma sa MILF. Ito ay itinuturing na pinakamalaking pag-unlad sa 18-taong proseso ng negosasyon sa pagitan ng dalawang panig. Noong Mayo ng taong iyon, sinimulan ng Pilipinas na ipasok ang Bangsamoro Basic Law sa lehislatibong proseso, at natapos ang digmaang sibil ng Mindanao nang tuluyang nilagdaan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang batas na ito noong Agosto 2018.

Alinsunod dito, ang mga pagsisikap na sinimulan ng mga mamamayan kabilang ang Civil Peace Agreement na pinagtibay ng HWPL ay pinaunlad upang maitatag ang kapayapaan sa Mindanao. Simula sa sektor ng edukasyon, nilagdaan ng HWPL ang MOU kasama ang 70 institusyong pang-edukasyon noong Pebrero 2016 para ituro ang peace education. Noong 2018, nilagdaan ng HWPL ang MOA kasama ang Commission on Higher Education (CHED), na nagresulta sa pagsasanay ng 2,551 na guro mula sa 557 na institusyong pang-edukasyon upang magturo ng peace education sa tinatayang 23,000 mag-aaral sa bansa.

HWPL Peace Monument Unveiling Ceremony in Mindanao (2015.5.25 Buluan in province of Maguindanao in the Philippines)

Pinagpapatuloy ng HWPL ang kampanya upang upang ipalaganap ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga simbolikong marker sa mga dating lugar ng kaguluhan. Noong ika-25 ng Mayo, 2015, sa isinagawang “2nd Anniversary of Peace Walk in Commemoration of the Declaration of World Peace” sa Buluan, Maguindanao, itinayo ang unang monumento ng kapayapaan sa harap ng tanggapan ng gobernador.

Ceremony Commemorating the 2nd Anniversary of the Mindanao Peace Agreement (2016. 1. 24. Sultan Kudarat MILF Camp Darapanan)

Sa sumunod na taon, noong ika-24 ng Enero, itinatag ang ikalawang monumento ng kapayapaan sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Civil Peace Agreement.

“Nakikita namin na mayroon kaming parehong layunin na magtatag ng kapayapaan, kaya noong binisita niya (Chairman Lee) kami noong ika-24 ng Enero sa aming kampo, idineklara namin ang araw na ‘Peace Day’ at pagkatapos, napagkasunduan naming magtayo ng monumento ng kapayapaan sa aming kampo. Ito ay magsisimbolo ng aming kooperasyon sa trabaho ng kapayapaan sa buong mundo. Kaya gusto rin natin, hindi lang sa Bangsamoro kundi magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo,” ani Chief Minister Ahod Ebrahim, Al Haj ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Noong araw ding iyon, niregaluhan ng Chief Minister Ebrahim si Chairman Lee ng isang karit bilang tanda na gagawa siya nito gamit ang tinunaw na mga sandata. “Ang mga kampo ay magiging produktibong komunidad. Ang ating mga sundalo ay tututuon sa paghahanap ng kanilang sariling kabuhayan, nang may mapayapang pamumuhay sa kampo. Magtatatag din kami ng monumento ng kapayapaan sa iba naming kampo kapag naipatupad na ito,” ipinahayag niya ang kagustuhang magwakas ang digmaan sa Mindanao.

Makalipas ang ilang taon, natupad ang kanyang hiling nang itayo ang ikatlong HWPL Peace Monument noong ika-19 ng Hulyo 2021 sa Cotabato City. Ang mapa sa monumento ay gawa sa mga armas na isinuko ng mga dating taga-MILF.

Ukol naman sa mga planong aktibidad sa Mindanao, sinabi ni John Rommel Garces, Punong Tagapamahala ng HWPL Philippines, “Ang pangunahing halaga ng Mindanao Peace Agreement ay isang pamamaraan ng ‘pagpapabuti ng kamalayan at aksyon na nakasentro sa mga mamamayan’ para sa kapayapaan. Ayon sa pamamaraang ito, ang HWPL ay magsasagawa ng mga proyektong pangkapayapaan nakabatay sa lipunang sibil tulad ng edukasyon, relihiyon, kabataan at kababaihan.”

“Sa 2022, tututukan namin ang pagtatayo ng mga karagdagang monumento ng kapayapaan sa Mindanao gayundin sa iba’t ibang lokasyon sa Pilipinas, ang pagsasakatuparan ng awtonomiya sa BARMM at ang pagsusulong ng mga proyektong kooperatiba para sa pagtatag ng kapayapaan, ang pagsasagawa ng HWPL Interfaith Religious Peace Office sa Davao City at iba pang lugar sa Mindanao, at pagkakaroon ng mga aktibo at regular na pagpupulong,’ dagdag niya.

Ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ay isang internasyonal na organisasyong pangkapayapaan na itinatag para sa layunin ng pagtigil ng digmaan sa pandaigdigang komunidad at para sa pandaigdigang kapayapaan. Ang HWPL ay isang non-government organization na nakarehistro sa UN Department of Global Communications (DGC) at UN Economic and Social Council (ECOSOC) nang may special consultative status, at nakarehistro sa Seoul, South Korea.

Para sa karagdagang impormasyon: https://www.hwpl.kr/language/en/about-hwpl-_en/

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: