
Sa tuwing may dadaan bati lagi ay iyong mapapakinggan
“Kay linis ho talaga ng inyong kapaligiran kay gaganda pa ng inyong halaman.”
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos pagwawalis sa malawak na kapaligan ay di nalilimutan
Tatlong oras sa isang araw kayang-kaya pa ng katawan.
Madalas naming siyang pigilan, sabi namin kame na lang,
“Kow di nyo mapakinis ang lupang aking winawalisan” yan ang lagi nyang kasagutan.
Kaya kame ay tutulong na lang
Gagawa, magwawalis ng walang imikan.
Lumipas ang mga taon halos likod nya ay baluktot na
Kamay nya ay makapal na at minsan nagiginig pa.
Pigilan man namin siya, ay talagang di uubra
Sapagkat ang taglay na sipag nya ay noong bata.
Kung babalikan natin ang panahon, pagtatanim sa palayan kanyang sinusuong
Magkaroon lamang ng magandang edukasyon.
Na ang larangan ng pagtuturo ang kanyang naging propesyon
Na sa hanggang magretiro hindi nawala ang dedekasyon.
Sa edad na pitumput apat, siya’y naglilimot na
Kaya kung minsan kung saan saan na nagpupunta
Pati paligid ng kapitbahay nawawalisan nya
Pagkat ayaw daw nyang makakita ng dumi sa paligid nya.
Dumating ang pandemya di siya makalabas
Kaya nagagawa na niyang tumakas,
Bakit daw bawal siyang lumabas gayung kame ay nakalalabas
Dahil nga naglilimot na, paliwanag sa kanya dina niya alaala.
Kaya’t lalo nyang pinagtuunan na walis ay hawakan
Na sa umaga ay magwawalisan at sa hapon ay dadamputan.
Ito na kanyang libangan na hindi niya nalilimutan
Kaya’t sa pagkain siya’y aming inaalagaan.
Dumating ang araw na ang walis ay dina nya mahawakan
Na pilit pinakukuha sa kasamang nakikita nya.
Minsan sinasabi ko na iabot nyo sa kanya
Na para mahawakan nya, walis na naaalala nya kahit siya ay nakaupo na sa may gulong na silya.**