
Pangulong Marcos, nakipagpulong sa mga opisyales ng DOH at ng IATF ukol sa COVID-19 response
Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr., sa mga opisyal ng Department of Health (DoH) para pag-usapan ang mga hakbangin sa pag responde ng COVID-19, ayon sa Malacañang kahapon, Lunes, July 18.
Sa isang interbyu sa radyo, sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na pinag-usapan ng Pangulo at ng mga opisyales ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ukol sa kasalukyyang lagay ng virus at ang pagtatakda ng pagbabago sa alert level system.
Naroroon din sa pagpupuling sina Health Assistant Secretary Charade Mercado-Grande ng DOH-Health Regulation Team at Director Alethea de Guzman ng DOH-Bureau of Epidimiology. At maging si Presidential Management Staff (PMS) Secretary Maria Zenaida Angping.***