Pamilya Calayan sa napanalunang premyo sa Family Feud, idederecho sa ‘Angat Buhay Foundation’

Read Time:55 Second

Ibibigay ng Family Calayan ang kanilang napanalunang premyo para sa “Angat Buhay” Foundation ni dating Vice President Leni Robredo bilang donasyon matapos magwagi sa game show na “Family Feud PH” na hino-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Naipalabas ang nasabing segment nitong July 18, 2022 na nakalaban ng Pamilya Calayan ang Pamilya Seña.

Sina Robert Seña at Isay Alvarez ay parehong tagasuporta ng UniTeam nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte, na aktibong-aktibo sa proclamation rally at sorties.

“It’s SCIENCE vs ART dito sa Family Feud Philippines dahil maghaharap ang CALAYAN FAMILY ni renowned celebrity doctor Manny Calayan at ang ALVAREZ-SEÑA FAMILY ng theater artists na sina Robert Seña at Isay Alvarez. Sino kaya sa kanila ang didiretso sa fast money round?” saad sa caption.

P20,000 ang napanalunan ng Pamilya Calayan, na buong-buong mapupunta sa Angat Buhay Foundation.

“Angat Buhay Foundation, makatatanggap po kayo ng P20K. Maraming salamat,” saad ng host na si Dingdong Dantes.

Dahil sa kabutihang loob ng Pamilya Calayan, umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post You Can Be Romantic!
Next post How To Lessen Being A Victim of Identity Theft

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: