
Dating PDEA official, itinalaga bilang bagong Customs chief
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) official na si Yogi Filemon Ruiz bilang bagong chief ng Bureau of Customs (BOC), ayon sa Malacañang kahapon, July 21.
Papalitan ni Ruiz ang dating Customs chief na si Rey Leonardo Guerrero, na nanumpa na sa Pangulo nitong Miyerkules, July 20, ayon kay Press Secretary Rose Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles.
“President Ferdinand R. Marcos, Jr. was sworn into office yesterday 20 July 2022, Yogi Filemon Ruiz as Acting Commissioner, Bureau of Customs,” saad ni Cruz-Angeles sa isang statement.
Si Ruiz ay dating kumander ng BOC’s Enforcement and Security Services noong 2017 na itinalaga ng kanyang dating boss sa PDEA at Customs commissioner na si Isidro Lapeña.
Namuno si Ruiz bilang regional director ng PDEA sa Central Visayas.***
[Photo: Maharlika.TV]
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...
4 Drug Suspek, Timbog sa Pasay City
PASAY CITY --- Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang drug-bust operation ng mga miyembro ng Southern Police District...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...