
MOBILE PAN DE SAL VENDOR SA CAVITE
[Ni Sid Samaniego]
ROSARIO, CAVITE: Tatlong linggo na ang nakakaraan ng umpisahan ang “mobile bakery hot pandesal” na pagmamay-ari ni Jomar Segovia Andrin, 36 taong gulang, tubong Masbate, at may anak na may sakit na leukemia na 4 na taong gulang.
Alas-tres pa lamang ng madaling-araw ay abala na si Jomar sa paggawa at pagmasa ng arina para sa kanyang produktong pandesal de malunggay.


Gamit ang kanyang mobile bakery ay ilalako ng kanyang kababayang si Felix Capiznon ang mainit na pandesal sa palengke ng Tanza, Cavite. Hanggang alas-7 ng umaga ay pinipilahan ang kanyang hot pandesal malunggay.
Kumikita ng halagang 1,500 piso bawat araw ang mobile bakery. Mas mabenta ang ganitong paraan kumpara sa nakapirming tindahan.



“Matumal na ang benta ng panaderya ko sa bahay kaya naisipan kong gumawa ng mobile bakery. Mukhang maganda ang bentahan dito. Kasi pwedeng ang mobile bakery mismo ang pupunta sa tao”, kwento ni Jomar.
Dumaranas ngayon ng malaking pagsubok sa buhay si Jomar dahil sa anak niyang may sakit na leukemia. Problemang malaki ang pinansyal na gastusin sa pagpapagamot sa anak na may sakit.
Panalangin nya sa Maykapal ang maagang paggaling ng kanyang bunsong anak at ang patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa kanyang produktong pandesal de malunggay.***
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
Cocina de Relleno: The Home of the Legendary Authentic Rellenong Bangus
In this day and age of fast-food chains and restaurants that bring flavors from Western, Asian, and other cuisines from...
KINSENG BAKA, MAAGANG NAMAMASKO SA KALSADA?
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada. [gallery columns="2"...
CELLPHONE NG LAW STUDENT, ISINAULI NG ISANG STREET SWEEPER
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi akalain ng isang law student na maisasauli pa ang nawawala niyang cellphone. Papasok na...
Grade 10 na PWD, hatid-sundo ng Kakambal; May angking Talino at Talento
Ni Sid Samaniego [videopress 5dGSLZ5F] ROSARIO, CAVITE: "Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ko ang aking sarili, ang aking...