ROSARIO, CAVITE: Ang pagkaing nagmula sa bansang Korea ay ibinaba at inilalapit ng kusa sa masa. Upang malasahan at matikman ang kakaibang timpla mula sa napaka-murang halaga nito na abot-kaya ng bulsa.
Samgyup on the wheels.
Ito ang ipinagmamalaking pinagkakakitahan ngayon ni Wisco Labrague Colorado, 38 taong gulang, may asawa at 4 na anak.
“Sa panahon kasi natin ngayon ay nahihirapang lumabas at umalis ang mga tao. Unang-una dahil sa pandemya. Pangalawa, mahal na ang pamasahe at gasolina. Kaya ang rolling cart ang naisip namin… Yung produkto na namin ang lalapit sa tao”, kwento ni Wilsco.
Kumikita si Wisco ng 2 libong-piso bawat araw.
“Maganda ang bentahan ng ganitong istilo. Basta matiyaga at masipag ka lang ay tiyak na ang kita mo”, dagdag pa ni Wisco.
Umabot din sa 289k ang naging puhunan sa negosyong ito.
Kaya sa mga nais matikman ang masarap na Samgyup ni Wisco, madalas lang siyang makita sa harap ng palengke ng Salinas.
Halina’t tikman ang samgyup na masarap na agahan, tanghalian, at hapunan. #DM
[Ni Sid Samaniego]

Epipanio Delos Santos Avenue
Share this:
Like this: