Entertainment Showbiz

Billy, Balik Syete Na!

Balik Syete na ang Tropang LOL host na si Billy Crawford, matapos ang ilang taon nito na pagiging Kapamilya at ang mahigit isang taong pagiging Kapatid sa TV5, kung saan ay mapapanood si Crawford bilang host ng The Wall Philippines na ieere sa GMA7.

Ito ay matapos magkaroon ng kasunduan ang GMA Network at Viva Entertainment, bilang may hawak sa franchise ng The Wall dito sa Pilipinas.

Isa ang The Wall Philippines sa naging top-rating shows ng Kapatid Network noong 2021.

Maliban sa GMA Network, may partnership din ang Viva Entertainment sa TV5 via Rolling In It Philippines, ang bagong tatag na Advanced Media Broadcasting System o AMBS at ang isa sa content provider ng TV5, ang ABS-CBN pagdating sa mga pelikula.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: