Read Time:1 Minute, 25 Second

[Ni Sid Samaniego]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

ROSARIO,CAVITE: Ang mainit-init at nasa tamang tamis na timpla ng bawat banana-que ni Mommy Lyria ang siyang dinarayo ngayon sa kanto ng Greenfield, Brgy. Bagbag 1 ng bayan na ito.

Halos 16 taon na ring nagtitinda ang 61 anyos na si Lyria Ricasata Leyva, na mas kilala sa katawagang “Mommy Lyria”. May 3 anak na lalake at 7 apo.

Taong 2006 ng magsimulang magluto ng banana-que si Mommy Lyria. Matapos na magretiro sa pagtatrabaho sa kumpanyang SAMMA Corp sa Epza. Isang pabrika ng bola.

Katunayan nito ay ipinagpatuloy lamang ni Mommy Lyria ang naumpisahang pagluluto ng banana-que ng kanyang ate Dolly Ricasata Mendoza. Na dalawang dekada ring nagtinda ng bnana-que.

Taong 1995 ng mabalo si Mommy Lyria. Maaga niyang pinasan ang gampanin ng dalawang katayuan na bilang ama at ina ng kanyang 3 anak.

Hindi sumuko sa laban ng buhay. Nagsumikap at nangalap ng magandang pangarap para sa hinaharap.

Sa pagtitinda ng banana-que, nakitaan niya ito ng magandang oportunidad upang kumita ng kaunting pera para maipangtustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kumikita si Mommy Lyria ng halagang 500 piso bawat araw.

“Wala man akong katuwang sa buhay ay masaya naman ako dahil kapiling ko ang aking mga anak at mga apo. Kasabay ng pagsisilbi ko sa aking mga suki bilang tindera ay naibabahagi ko ang magandang kalidad ng masarap na banana-que na hinahanap-hanap ng mga tao. May tamang pormula sa pagluluto na ito, pero sikreto na lang natin ito”, pagmamalaki ni Mommy Lyria.

May nagpaparamdam ng pagmamahal sa balong tindera, subalit ang pagmamahal sa pagluluto ng banana-que ang numero uno niyang prayoridad. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Bungkalin, Araruhin, Itanim, Anihin
Next post Makati, isinailalim sa “State of Climate Emergency”

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: