
LIVE SELLING SA FB, IPAGBABAWAL NA SIMULA OKTUBRE 1
AALISIN na ng Facebook ang kanilang live shopping feature simula Oktubre 1, 2022.
Bunsod ito na lumilipat na raw ang mga consumer sa short-form video kaya magpopokus na sila sa reels o maiiksing video na napapanood sa FB o Instagram. Pahayag pa ng Facebook na pwede pa rin naman daw gamitin ang Facebook Live para sa live event ngunit hindi na maaaring gumawa ng product playlist o mag-tag ng produkto sa live video ang seller.
“From 1 October 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled live shopping events on Facebook,” “As consumers’ viewing behaviours are shifting to short-form video, we are shifting our focus to Reels on Facebook and Instagram, Meta’s short-form video product,” pahayag ng Facebook.
Matatandaan na unang ipinakilala ng Facebook ang Live Shopping upang makapagbenta ang mga netizen sa pamamagitan ng kanilang Live streaming feature noong 2018. #RBM