Balita NATIONAL

Makati, isinailalim sa “State of Climate Emergency”

Idineklara ni Makati Mayor Abby Binay ang state of climate emergency sa naturang lungsod.

Bunsod ito ng pagtaas ng temperatura at lebel ng dagat sa buong mundo na nakakaapekto sa mga mabababang lugar sa baybayin, kabilang ang naturang financial business district ng bansa.

Ito ay base sa isang online forum na isinagawa ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

“As temperatures and sea levels continue to rise, low-lying coastal areas in cities like Makati have become more vulnerable to strong typhoons that bring floods and landslides. This will result not only in the disruption of public services but also the displacement of families and even entire communities,” pahayag ni Binay.

Panawagan ni Binay ang partisipasyon ng mga negosyo, komunidad at iba pang stakeholder upang maiwasan ang posibleng mga pagbaha sa naturang lungsod.

“We call upon everyone to come together and act now. We must ensure aggressive application of the whole-of-society approach in combating climate change. We heard the data. We understood the science, and we are feeling its impact. Now is a crucial time to act, and we need to act fast. We need thinkers, doers, and movers.” ani Binay.

“The time for action is now. As the new breed of Makatizens and global citizens, it is our responsibility to take care of our city and ensure that it remains a livable place for future generations. We must promote sustainability and climate consciousness in all our actions. We must be the change we want to see in our city and the world,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, pinaiigting ng Makati ang ilang mga ordinansa para sa kapaligiran, kabilang ang Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, plasti ban sa mga kabahayan at business establishments, pagbabawal sa paninigarilyo, Anti-Smoke Belching Ordinance at Greenhouse Gas Reduction Ordinance.

Aniya, may plano ring bumili ng mga de-kuryenteng sasakyan para sa pamahalaang lungsod at paggamit ng solar panel sa mga pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno.

Nakipagpulong din si Binay sa mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST).

Nangako rin ang Alkalde na paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang mga pagsisikap upang matugunan ang pagbabago ng klima.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: