
KALAN DE ULING, LIKHANG SARILING ATIN
[Ni Sid Samaniego]
ROSARIO, CAVITE: Halos 2 dekada ng gumagawa at nagtitinda ng kalan de uling ang 41 anyos na si Marlon Asares Cajada, may live-in partner,at tubong Ligtong 1 ng bayan na ito.
Taong 1998 nang umpisahan niya ang paggawa ng kalan de uling. Dito niya binuhos ang oras at sakripisyo maitaguyod lamang ang bawat pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ang tamang timpla ng semento at buhangin ang siyang nagbibigay na magandang kalidad sa kalan de uling ni Marlon. Na hinubog sa patapong balde na pinaglagyan ng mantika. Nilagyan ng matibay na bakal bilang karagdagang sangkap.
Sa halagang 250 piso sa bawat kalan de uling ay may magagamit ka nang pangluto ng sinaing at ulam.
Umaga pa lamang ay inilalako na ni Marlon ang sarili niyang gawang kalan de uling, gamit ang kanyang de-tulak na kariton. Nililibot niya ang bawat barangay sa bayan ng Rosario.
Masaya na si Marlon kung may bumili sa kanya ng kalan de uling ng 2 hanggang 3 piraso. Sapat na upang makabili siya ng pangtanghalian at hapunan ng kanyang pamilya.
Isang masipag, matiyaga, at mabait na tao si Marlon.
Hiling niya na tangkilikin ang gawang sariling atin, ang kalan de uling.
(Sa mga nagnanais na masubukan ang kalan de uling ni Marlon, narito ang kanyang numero, 09656804010