Magkano ang ginagastos mo sa iyong pagkain sa isang araw? Alam mo ba may pag-aaral na nagsasabing kayang gumastos ng isang ordinaryong Pilipino ng P18.00 hanggang P55.80 pesos para makabili ng pagkain sa isang araw. Oo! Kung nagagawa mo ito kabilang ka sa mga tinatawag na ‘Food poor’.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang isang pamilya na may limang miyembro ay kinakailangan ng karagdagang kita na P2,719 kada buwan para sa kanilang pagkain.
Aniya, nagdulot din ng matinding kagutuman at nadagdagan pa ang bilang ng mga mahihirap nating kababayan buhat ng tumama ang pandemya sa ating bansa.
Sa pamamagitan ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) nitong 2021, nagpakita ang kanilang pag-aaral na umakyat sa 18.1% ang bilang ng mga mahihirap nating kababayan o nasa 19.99 milyong Pilipino ang namumuhay ng mahirap at sumasahod lamang ng P12,030 kada buwan.

Naitala noong 2018 na 16.7% ang bilang ng mga mahihirap nating kababayan, o katumbas ng 17.67 million Filipinos.
Para mabili ang basic food needs ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino, dapat ay kumikita sila ng P8,379 kada buwan.
Nagpapakita lamang ito na hindi talaga sasapat ang kinikita ng mga ordinaryong pamilyang Pilipino para magkaroon ng sapat na makakain sa hapag-kainan at matustusan ang iba pang pangangailangan araw-araw.

Samakatuwid, base pa rin sa FIES, umakyat sa 22.6% ang income gap sa bansa nitong 2021, mas mataas ito kumpara noong 2018 na may 21.7 porsiyento. Nasusukat sa income gap ang required income ng mga ordinaryong manggagawa upang maiahon ang kanilang pamumuhay sakabila ng kahirapan.
Aniya, kinakailangan umano na magkaroon ng karagdagang sahod na P2,719 kada buwan para magkaroon ng sapat na makakain ang bawat pamilyang Pilipino.
Itinuturing naman na ang pinaka mahirap na mga rehiyon sa bansa ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na may 29.8 porsiyento. Kabilang din ang mga rehiyon ng National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Calabarzon.
Mayroon namang mababang bilang ng mahihirap o lowest poverty incidence sa ilang mga probinsya simula noong 2015, 2018, at 2021. Ito ay ang Bataan, Batanes, Benguet, Bulacan, Capiz, Cavite, Guimaras, Ilocos Norte, Laguna, Pampanga at Rizal. Kabilang din ang probinsya ng La Union, Siquijor, at Tarlac simula pa noong 2018.
Kabilang naman sa least poor cluster simula noong 2021 ay ang mga probinsya ng Apayao, Batangas, Cagayan, Davao del Norte, Davao del Sur, Ifugao, kalinga, Lanao del Sur, Palawan at Quirino. #RBM

Photos: PSA / RMN