
Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika sa ๐๐โ๐๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐ sa Pambansang Museo, Lungsod Maynila bilang pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang mga katutubong wika ng bansa at tugon sa Pandaigdigang Dekada ng mga Katutubong Wika 2022-2032 (International Decade of Indigenous Languages o IDIL 2022-2032).
Ipipresenta rin dito ang Pambansang Adyenda sa Pangangalaga ng Nanganganib na Wika at resulta ng implementasyon ng Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) bilang kauna-unahang programa ng pamahalaan sa pagpapasigla ng wika (language revitalization) sa bansa. Tatalakayin din ang mga ginagawang hakbang ng mga institusyon sa pangangalaga sa mga komunidad at katutubong wika, mga saliksik sa katutubong wika, at mahahalagang isyung may kaugnayan sa nanganganib na wika tulad ng dokumentasyong pangwika, praktika sa dokumentasyon, field methods, pagbuo ng ortograpiya, at iba pang kaugnay na paksa. Magsisilbi itong panimulang gawain para sa International Decade of Indigenous Languages 2022-2023 (IDIL), kayรข bubuo ng resolusyon hinggil dito.
Layunin ng Kongreso na mahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilang wika at lumikha ng mga saliksik; at mailahad/matalakay ang mga pinakamahusay na paraan sa pananaliksik, pagbuo ng programa para sa pagpasigla ng wika, at iba pang isyu na nakaaapekto sa wika.
Ang pamamaraang gagamitin ay hybridโang susing tagapagsalita, mga tagapanayam, mga presenter, at ilang kalahok ay in person, samantala, ang ibang mga kalahok naman ay via Zoom. Magkakaroon din ng live streaming sa opisyal na Facebook ng KWF.
Abangan ang anunsiyo hinggil sa rehistrasyon. Para sa mga tanong at karagdagang detalye, mag-email sa pambansangkongreso2022@gmail.com.
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
PH ECONOMIC BRIEFINGS IN FRANKFURT & LONDON DRAW OVER 200 BUSINESS AND FINANCIAL EXECUTIVES
More than 200 business and financial executives attended the Philippine Economic Briefings (PEBs) in Europe where Bangko Sentral...
DSWD hosts ASEAN Inter-Sectoral Consultation to develop Regional Guidance to strengthen social workers, wider social service workforce
In line with its role as the focal agency representing the Philippines to the ASEAN Sectoral Body on Social Welfare...
DSWD Secretary Gatchalian shares thrusts, vision with members of the media
Newly appointed Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian outlined his major thrusts and priorities to improve...
WORLDBEX 2023: Reinforcing the Future of Building and Design
WORLDBEX shares its dreams and passion for true innovative spirits along with the frontrunners in the industry. Pioneering its...
KWF Onlayn Dap-รกyan, magsisimula na ngayong Pebrero 2023 tampok ang mga salawikain
Magsisimula na sa 24 Pebrero 2023 ang Onlayn Dap-รกyan sa mga Babasahรญn sa Saliksik at Kulturang Pilipino ng Komisyon sa...
DSWD, UP Law to assist kids get support from foreign or Filipino parents outside PH
[caption id="attachment_28341" align="aligncenter" width="720"] Department of Social Welfare and Development (DSWD) Officer-in-Charge Eduardo M. Punay (2nd from left) and UP...