“1st Kandulang Festival” ng LGU-Ampatuan sentro ng 63rd founding anniversary celebration nito

Read Time:2 Minute, 39 Second

by ABDUL “Abie” CAMPUA

MAGUINDANAO, BARMM ––– Pinangunahan ni Mayor Baileah G. Sangki at Vice Mayor Bai Yasmin Sangki ang opening day ceremony ng 1st Kandulang Festival ng LGU-Ampatuan noong Agosto 22, 2022.

Ang 1st Kandulang Festival ay siyang “highlight” or sentro ng selebrasyon ng 63rd founding anniversary ng LGU-Ampatuan na ipagdidiwang nila sa darating na Agosto 28, 2022.

Ang Ampatuan ay isa lamang sa 36 na mga munisipyo ng Maguindanao, kung saan isa sa mga provincial component ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Matapos ang ribbon-cutting ceremony na ginanap sa harap ng munisipyo, kung saan hudyat na ng pagsismula ng nasabing festival, kaagad na nagbigay ng mensahe si Mayor Sangki.

Pinasalamatan ni Mayor Sangki ang mga residente, mga opisyal at mga empleyado ng LGU–Ampatuan sa kanilang suporta at kooperasyon para sa tahimik at maayos na selebrasyon.

Naghayag din ng pasasalamat si Mayor Sangki sa lahat ng mga bisita na pumunta sa kanilang bayan upang dalohan, saksihan at makiisa sa unang araw ng kanilang festival.

“Maraming salamat po sa inyong pagdalo at pakikiisa sa aming selebrasyon,” sabi ni Mayor Sangki sa mensahe nito.

Ang ilan sa mga importanteng mga bisita na pinasalamatan ni Mayor Sangki ay sina Atty. Josefina Dublin–Torrena, ang provincial legal officer ng Maguindanao, Police Brigadier General John Gano Guyguyon, ang regional director ng Police Regional Office BARMM, at Army Lieutenant Colonel Edwin M. Alburo na commanding officer ng 401st Infantry Brigade (6th ID).

Pinasalamatan din ni Mayor Sangki ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng Ampatuan.

Bahagi ng mensahe ni Mayor Sangki ay ang ipagpatuloy ang pagkakaisa at kooperasyon para sa patuloy na pagyabong ng bayan ng Ampatuan dahil ang pag–unlad ay malinaw na repleksyon ng isang lokalidad na tahimik, may magandang liderato at pamamahala at pagkakaisa ng mga residente.

“Ituloy lang natin ang ating pagsagwan, gamit ang pagkakaisa at kooperasyon, sa batis ng pag–unlad. Magkapitbisig po tayong lahat patungo sa progresibong lokalidad. Ang bayan po ng Ampatuan ay atin. Mahalin po natin,” sabi ni Mayor Sangki.

Para maging masaya ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo at festival, naghanda ng mga palaro ang munisipyo.

Ang ilan sa mga palaro na inihanda ng munisipyo ay ang basketball, volleyball, mountain bike race, chess, dart at iba pang mga aktibidades na seguradong magpapasaya sa mga tao.

May booth competition at Employees Festival. May medical mission din, kung saan lahat ay libre na makiisa at makatanggap ng mga gamot.

Syempre, dahil mahalaga sa puso ni Mayor Baileah at Vice Mayor Yasmin ang mga matatanda, gumawa din sila ng Senior Citizen’s Day, kung saan ang layunin ay mapasaya ang mga matatanda sa kanilang bayan.

Nagsimula ang mga palaro noong Agosto 15 at magtatapos sa Agosto 28, 2022.

Sa interbyu ng SK TIMES sa isang residente, sinabi nito na isinama nito ang kanyang boung pamilya noong Lunes (Agosto 22) para makita ang mga imbitadong bisita ng munisipyo at makinig sa mensahe ni Mayor Sangki para sa kanila.

“At para masaksihan namin ang pagbukukas ng 1st Kandulang Festival ng aming pinakakamahal na bayan,* sabi ng residente na nagpakilala lamang na si Datu Omar sa interbyu sa kanya. (BY ABDUL CAMPUA)

— sent thru Mindanao/BARMM Desk

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post <strong>The responsibility of teachers and parents for the return of face-to-face classes</strong>
Next post <strong>DSWD strengthens its efforts on peace initiatives with OPAPRU</strong>
%d bloggers like this: