
37 KONSULTA Providers Pararangalan ng PhilHealth XII



Bilang pagkilala sa natatanging pagtugon at pagsuporta sa KonSulta (Konsultasyong Sulit at Tama) ng PhilHealth, 37 accredited KONSULTA providers sa SOCSKSSARGEN Region ang pararangalan ng PhilHealth XII sa darating na August 30, 2022 sa lungsod ng Koronadal.
Ito ay bilang pasasalamat na rin ng PhilHealth XI sa mga nasambit na pasilidad na agarang tumugon sa kanilang pangungusap na maging KONSULTA provider ng PhilHealth
KONSULTA ang tawag sa programa ng PhilHealth na napabilang sa preventive care program na ipinangako ng Universal Health Care ayon sa RA 11223.
Ito ang benepisyo ng National Health Insurance na nagbibigay ng libreng konsulta, health screening at assessment, libreng gamot at libreng laboratory services ayon sa pangangailangan ng pasyente.
Ilan sa mga libreng laboratory services nito ay tulad ng CBC, urinalysis, sputum microscopy, fecal occult blood test, pap smear, lipid profile, fasting blood sugar, oral glucose tolerance test, ECG, chest x-ray, creatinine at Hemoglobin A1C.
Kabilang sa ibibigay na libreng gamot ay para anti-microbial, fluid and electrolytes, anti-asthma, antipyretics, anti-diabetic, anti-hypertensive, anti-thrombotic at antihistamine para sa mga allergies.
Ang mga natukoy na KONSULTA providers ay papangalanan na sa araw ng nasambit na parangal.
Hinihikayat ang iba pang mga pasilidad na magpa accredit na sa PhilHealth bilang mga KONSULTA providers. ###
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
PH ECONOMIC BRIEFINGS IN FRANKFURT & LONDON DRAW OVER 200 BUSINESS AND FINANCIAL EXECUTIVES
More than 200 business and financial executives attended the Philippine Economic Briefings (PEBs) in Europe where Bangko Sentral...
DSWD hosts ASEAN Inter-Sectoral Consultation to develop Regional Guidance to strengthen social workers, wider social service workforce
In line with its role as the focal agency representing the Philippines to the ASEAN Sectoral Body on Social Welfare...
DSWD Secretary Gatchalian shares thrusts, vision with members of the media
Newly appointed Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian outlined his major thrusts and priorities to improve...
WORLDBEX 2023: Reinforcing the Future of Building and Design
WORLDBEX shares its dreams and passion for true innovative spirits along with the frontrunners in the industry. Pioneering its...
KWF Onlayn Dap-áyan, magsisimula na ngayong Pebrero 2023 tampok ang mga salawikain
Magsisimula na sa 24 Pebrero 2023 ang Onlayn Dap-áyan sa mga Babasahín sa Saliksik at Kulturang Pilipino ng Komisyon sa...
DSWD, UP Law to assist kids get support from foreign or Filipino parents outside PH
[caption id="attachment_28341" align="aligncenter" width="720"] Department of Social Welfare and Development (DSWD) Officer-in-Charge Eduardo M. Punay (2nd from left) and UP...