
DSWD, tumanggap ng parangal para sa natatanging paggamit ng wikang Filipino sa serbisyo publiko
Bilang pagkilala sa natatanging pagsuporta sa wikang Filipino, ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ay ginawaran ng Selyo ng Kahusayan, Antas 2 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Ang Selyo ng Kahusayan ng KWF ay parangal para sa mga ahensiya at lokal na pamahalaan na nagpakita ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa serbisyo publiko. Ito ay naayon sa implementasyon ng Pamahalaan sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 335 o Executive Order No. 335.
Kasabay sa layuning ipatupad ang mandato ng Kagawaran sa pagbibigay serbisyo sa mga nangangailangang sektor, nilalayon din ng DSWD na maging ehemplo sa pagpapalakas ng pagtataguyod ng kultura sa pamamagitan ng aktibong paggamit at pagpapayaman ng wikang Filipino.
Kita sa larawan ang pagtanggap ng Selyo ng Kahusayan, Antas 2 ni Ginoong Edward Gonzales, Division Chief sa Social Marketing Service ng Kagarawan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) mula kay Dr. Arthur P. Casanoa, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Kasama rin sa larawan (mula sa kaliwa) sina: Binibining Bernadette Rosario S. Aligaen ng DSWD; at sina Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi Dr. Benjamin M. Mendillo Jr, at Komisyoner Carmelita Abdurahman ng KWF. ###
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
PH ECONOMIC BRIEFINGS IN FRANKFURT & LONDON DRAW OVER 200 BUSINESS AND FINANCIAL EXECUTIVES
More than 200 business and financial executives attended the Philippine Economic Briefings (PEBs) in Europe where Bangko Sentral...
DSWD hosts ASEAN Inter-Sectoral Consultation to develop Regional Guidance to strengthen social workers, wider social service workforce
In line with its role as the focal agency representing the Philippines to the ASEAN Sectoral Body on Social Welfare...
DSWD Secretary Gatchalian shares thrusts, vision with members of the media
Newly appointed Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian outlined his major thrusts and priorities to improve...
WORLDBEX 2023: Reinforcing the Future of Building and Design
WORLDBEX shares its dreams and passion for true innovative spirits along with the frontrunners in the industry. Pioneering its...
KWF Onlayn Dap-áyan, magsisimula na ngayong Pebrero 2023 tampok ang mga salawikain
Magsisimula na sa 24 Pebrero 2023 ang Onlayn Dap-áyan sa mga Babasahín sa Saliksik at Kulturang Pilipino ng Komisyon sa...
DSWD, UP Law to assist kids get support from foreign or Filipino parents outside PH
[caption id="attachment_28341" align="aligncenter" width="720"] Department of Social Welfare and Development (DSWD) Officer-in-Charge Eduardo M. Punay (2nd from left) and UP...