
Daan-daang mga empleyado ng gobyerno nagdagsaan sa Isulan, Sultan Kudarat para lumahok sa kick off ceremony ng 122nd Philippine Civil Service
VIA MINDANAO VOICES
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!SULTAN KUDARAT PROVINCE (by Ramil Bajo, Sept. 5, 2022) — Daan-daang mga empleyado ng gobyerno ang dumadagsa ngayong-araw sa provincial gymnasium ng Sultan Kudarat province para makiisa sa inorganisang kick off ceremony ng provincial government para sa 122nd founding anniversary ng Philippine Civil Service celebration.
Ang nakikita ninyo sa larawan ay mga empleyado ng DPWH-Sultan Kudarat 1st District Engineering Office (SK1stDEO) na nakabase sa bayan ng Isulan, Ang capital town ng probinsya ng Sultan Kudarat na isa naman sa mga “provincial component” ng Region 12.
Ang DPWH-SK1stDEO ay isa lamang sa maraming mga national government agencies (or NGAs) na nakabase sa probinsya na lumahok sa gaganaping programa ngayong-araw.
Dumalo rin ang mga empleyado ng ibat-ibang mga munisipyo ng probinsya.
Sa gaganaping programa, inaasahan na magbibigay ng kanyang mensahe para sa mga empleyado ng gobyerno si Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu.
Mahigpit namang ipinatupad ng security personnel ang “NO FACE MASK, NO ENTRY POLICY” sa gaganaping programa.
Ibig sabihin, pag wala kang “face mask” hindi ka makapasok sa loob ng provincial gymnasium.